Justice Sec. Aguirre, muling nag-alok sa pamilya ni Kian Loyd delos Santos na sumailalim sa Witness Protection Program

Manila, Philippines – Muling inalok ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang pamilya ng napatay na Grade 11 student na sumailalim sa Witness Protection Program ng DOJ.

Ayon kay Aguirre, layon nito na mabigyan ng proteksyon ang pamilya delos Santos.

Sinabi ni Aguirre na kailangang maprotektahan ng gobyerno ang pamilya ni Kian lalo na’t inihahanda na ng Public Attorney’s Office ang kasong murder na isasampa laban sa mga pulis na nakapatay sa menor de edad.


Kabilang sa mga kakasuhan sina
PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz ; gayundin ang kanilang precinct commander na si Chief Insp. Amor Cerillo.

Una na ring inatasan ni Aguirre ang NBI na magsagawa ng parallel investigation sa nasabing kaso.

Facebook Comments