Justice Sec. Aguirre – pinangalanan ang mga nagtangkang nanuhol ng 100-Milyon Piso sa mga bilibid inmates upang baliktarin ang kanilang testimonya laban kay De Lima

MANILA, PHILIPPINES – Pinangalanan ni Department of Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang umano’y nagtangkang manuhol sa mga inmate ng New Bilibid Prisons para bawiin nila ang testimonya laban kay Sen. Leila De Lima.

 

Ayon kay Aguirre – ito ay sina dating Sen. Jamby Madrigal at incumbent Biñan City Congresswoman Marilyn “Len-Len” Alonte-Naguiat.

 

Aniya, sinuhulan ng dalawa ang walong bilibid inmates ng P100 milyon para bawiin nila ang salaysay na kanilang naunang inilahad laban kay De Lima kaugnay sa ilegal drug trade sa NBP.

 

Batay sa alok, sinabi ni Aguirre na dapat mabawi ang salaysay ng mga preso bago ang paggunita sa EDSA People Power Anniversary.

 

Sa kwento ni Aguirre, may kaanak si Madrigal na nag-refer kay Alonte, at si Alonte naman ang direktang tumawag sa mga high profile inmates.

 

Nakatakda naman kasuhan ng DOJ sina Madrigal at Alonte.




 

Facebook Comments