Hindi hinarap ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended Bureau of Correction (BuCor) Director General Gerald Bantag, matapos itong dumalo sa Preliminary Investigation ng Department of Justice (DOJ) kanina, kaugnay sa Percy Lapid murder case.
Ayon kay Remulla, hindi niya nakausap si Bantag dahil marami raw siyang ginagawa noong ito ay dumating sa DOJ.
Kanina ang kauna-unahang preliminary investigation ng ahensya sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at middleman na si Jun Globa Villamor.
Ayaw na ring mag-komento ni Remulla sa hiling ni Bantag na ilipat siya sa Ombudsman.
Nauna nang sinabi ni Bantag na walang hurisdiksyon sa kaniya ang DOJ dahil nananatili pa rin siyang aktibong empleyado ng pamahalaan.
Facebook Comments