Justice Sec. Guevarra, blangko pa sa petsa ng paglaya ni dating Mayor Antonio Sanchez

65

Hindi pa matiyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang eksaktong petsa ng paglaya ni dating Mayor Antonio Sanchez ng Calauan, Laguna.

Ayon kay Guevarra, ang sigurado niya ay ang paglaya kada araw ng dalawang daang persons deprived of liberty o PDL.


Ito ay mula sa kabuuang 11,000 na DPLs na palalayain sa mga susunod na buwan.

Nauna nang kinumpirma ni Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon na posibleng sa susunod na dalawang buwan ay tuluyan nang makalaya si Sanchez.

Sinabi naman  ni Sec. Guevarra na maaaring makalaya si Sanchez dahil sa bagong batas o ang Good Conduct Time Allowance at ang desisyon ng Supreme Court na nagpapahintulot na ipatupad ang batas na ito retroactive.

Facebook Comments

From Advertisers