Pagdami ng POGO outlets sa bansa, iimbestigahan sa Kamara

70

Ipapasiyasat sa kamara ang paglaganap ngayon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) outlets sa bansa.

 

Sa inihaing House Resolution 221, pinaiimbestigahan nina bayan muna Party-list Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, at Eufemia Cullamat sa House Committees on Gaming and Amusement at Good Government and Public Accountability ang paglipana ng mga POGO outlets at ang epekto nito sa ekonomiya at seguridad ng bansa.


 

Tinukoy sa resolusyon ang pagdami ng bilang ng mga foreign workers na nagtatrabaho sa mga POGO outlets na walang valid permits.

 

Malaking isyu na rin ang paggamit sa mga POGO sa money laundering, loan sharking, illegal immigration, human trafficking at iba pang krimen na kinasasangkutan ng kanilang mga empleyado na pawang mga Chinese nationals.

 

Iniuugnay din dito ang ulat mula sa PNP na pagtaas ng bilang ng mga Chinese nationals na nasasangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng tulad ng kidnapping, illegal recruitment, extortion, illegal detention, at murder.

 

Sa ngayon, 56 na ang bilang ng mga POGO outlets sa Pilipinas, kung saan karamihan dito ay nakapuwesto pa malapit sa mga military at naval installations.

Facebook Comments

From Advertisers