Justice Sec. Guevarra, dumistansya sa UNHRC resolution kaugnay ng war on drugs ng administrasyon

86

Tumanggi si Justice Sec. Menardo Guevarra na magbigay ng legal opinion kaugnay ng resolusyon ng United Nations Human Rights Council na nagbibigay basbas sa pag-imbestiga sa sinasabing war on drugs ng gobyerno ng Pilipinas.

Ayon kay Guevarra, ipauubaya na nila kay Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin ang pagsagot sa isyu.


Una nang umalma sa nasabing resolusyon ang Malakanyang at ang ilang mambabatas.

Ito ay dahil panghihimasok anila ito ng UN sa internal affairs ng Pilipinas.

Facebook Comments

From Advertisers