Justice Sec. Guevarra, kinumpirma ang panukala niyang joint marine inquiry ng Pilipinas at China kaugnay ng Recto Bank incident

 

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na inirekomenda niya ang joint marine inquiry sa pagitan ng Pilipinas at China

 

Kaugnay ito ng sinasabing pagpapalubog ng Chinese vessel sa bangkang sinasakyan ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.

 

Naniniwala si Guevarra na mas magiging katanggap-tanggap sa panig ng Pilipinas  at China kung magsasagawa na lamang ng joint inquiry sa nangyaring insidente sa Recto Bank.


 

Sinabi ni Guevarra na kung hindi man ito tatanggapin ng China , ang Pilipinas na lamang ang gagawa ng ligal na hakbang sakaling may makita silang basehan.

 

Sa ngayon ay tinatapos na ng Philippine Coast Guard at MARINA ang kanilang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Facebook Comments