Justice Sec. Guevarra, pinauubaya na kay BuCor Chief Bantag ang pagresolba sa patuloy na suhulan sa Bilibid

411

Ipinauubaya na ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag ang pagsugpo sa patuloy na suhulan sa New Bilibid Prisons.

Inihayag ito ni Guevarra kasunod ng kumpirmasyon ni Bantag na nagpapatuloy ang suhulan sa Bilibid.


Sinabi ni Guevarra na tiyak aniyang gagawin ng mga bilanggo na may pera, ang lahat ng paraan para maipagpatuloy ang marangyang pamumuhay sa loob ng kulungan.

Ito naman aniya ang magiging hamon kay Bantag sa pagtupad sa kanyang misyon sa Bilibid.

Kahapon, winasak ng pinagsanib na mga otoridad ang mga kubol sa NBP kung saan ginagawa ang mga transaksyon sa iligal na droga.

Facebook Comments

From Advertisers