![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2021/11/guevarra.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Isinugod sa ospital kahapon si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra matapos sumama ang pakiramdam at mahirapang huminga.
Ayon kay Guevarra, kailangan muna niyang sumailalim sa serye ng test o pagsusuri, kabilang ang angiogram o pagsusuri sa mga blood vessel o mga ugat na konektado sa puso.
Habang inamin din nito na nakaranas siya ng hirap sa paghinga at sobrang pagod nitong nakaraang linggo na nauwi sa pagpa-admit sa ospital.
Hindi naman nito masabi kung kailan siya makakalabas ng ospital.
Pero sa kabila nito, tiniyak naman ng kalihim na nananatiling nasa mabuti ang kanyang kondisyon.
Facebook Comments