Manila, Philippines – No comment na muna si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa inihaing reklamo sa Ombudsman ng grupong Millenials Against Dictators at grupong Akbayan Youth.
Sinabi ni Aguirre na hindi pa niya nabasa ang kabuuan ng reklamo at kung ano ang basehan nito.
Nauna rito, dumulog sa Ombudsman ang dalawang grupo ng mga kabataaan na nagnanais na matanggal sa pwesto ang kalihim dahil sa anilay pagpapakalat nito ng mga fake news.
Naniniwala ang mga complainang na nilabag ng kalihim ang nilalaman ng Republic Act 6714 o code of conduct and ethical standards for public officials dahil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa publiko.
Binalikan ng grupo ang pag-uugnay ni Aguirre kay Senador Bam Aquino sa bakbakan sa Marawi, gayundin ang umano’y nangyaring ambush sa misis ng isang inmate ng Bilibid na tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima na itinanggi naman ng Makati Police.
Sablay din anila ang naging pag-uugnay ng Kalihim sa Korean Mafia sa pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo.
Naniniwala ang mga complainant na hindi dapat hinahayaan ang pagpapakalat ng mga pekeng baliga lalot kung nanggagaling ito sa mga opisyal ng gobyerno.