Justice Sec. Vitaliano Aguirre, umalma sa pagpapakita ni Sen. Risa Hontiveros sa larawan niya nang may ka-text

*Manila, Philippines – Inalmahan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang pagpapakita ni Sen. Risa Hontiveros sa larawan niya nang may ka-text.*

*Sa privilege speech ni Hontiveros sa Senado kahapon, ipinakita niya ang palitan ng mensahe ni AGUIRRE at ng isang Cong. Jing kaugnay sa niluluto nilang kaso laban sa senadora.*

*Hindi ito itinanggi ni Aguirre pero tinawag niyang “unethical” ang ginawa ni Hontiveros.*


*Aniya, paglabag ito sa kanyang privacy.*

*Sagot ng Senadora, hindi niya nilabag ang privacy ng kalihim dahil hindi naman daw sinasadyang i-tap ang kanyang mga mensahe.*

*Ayon naman kay dating Negros Oriental Cong. Jacinto Paras, ang sinasabing ka-text noon ni Aguirre wala siyang natatanggap na text mula sa kalihim.*

*Giit pa niya, hindi naman ang laman ng text ang isyu dito kundi ang paglabag ni Hontiveros sa constitutional right nila ni Aguirre.*

*Bukod sa privacy, nilabag din aniya ni Hontiveros ang anti-wiretapping law.*

Facebook Comments