Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, handang ipakita ang tattoo pero iinisin muna raw si Sen. Trillanes

*Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni Mayor Sarah Duterte sa kanyang State of the City Address ang mga pag-unlad ng Davao City sa kanyang pamumuno.*

*Sa kanyang administrasyon kasi ay lumakas ang proyektong pabahay, programa para sa mga katutubo, impratruktura at iba pa.*

*Pero pagkatapos ng ulat ni Mayor Duterte-Carpio ay biglang dumating ang kuya nitong si Vice Mayor Paolo Duterte.*


*Dito ay naglabas ng galit ang bise alkalde nang itanong ang mga akusasyon sa kanya ni Sen. Antonio Trillanes hinggil sa pagkakasangkot sa Davao group, TRIAD at sa sinasabing katiwalian sa Bureau of Customs.*

*Muli ring naitanong kay Vice Mayor Paolo kung ipapakita ba niya ang kanyang tattoo na hiniling sa kanya ni Sen. Antonio Trillanes.*

*Pero ayon sa bise alkalde, hindi muna niya ipapakita ang nasabing tattoo dahil iinisin muna niya si Trillanes.*

*Dagdag pa ni Vice Mayor Duterte, wala ng bago sa mga tanong ni Trillanes tungkol sa kanyang milyun-milyong piso na nakatago umano sa kanyang bank account.*

*Kasabay nito ay isiniwalat naman ni Vice Mayor Duterte ang umano’y sabwatan ng ilang opisyal.*

Facebook Comments