Justice Secretary Aguirre, binalaan ang publiko kaugnay sa mga gumagamit ng kaniyang pangalan para manghingi ng solisitasyon

Manila, Philippines – Binalaan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mananagot sa batas ang mga indibidwal na ginagamit ang kaniyang pangalan o nagpapanggap na kaniyang representante, upang makapanghingi ng donasyon.

Ayon kay Aguirre, bagamat mayroon nga siyang mga outreach program, nanggagaling umano ang pondo ng mga ito sa sarili niyang bulsa at sa donasyon na nagmumula sa kaniyang mga kaibigan.

Wala umano siyang binigyan ng pahintulot na mag solicit o manghingi ng ano man porma ng donasyon para sa mga ito.


Kaugnay nito, ayon sa kalihim, sa oras na makatanggap ng ulat o makaranas ng kaparehong pangyayaro, makabubuti aniya na ipagbigay alam agad sa kaniyang tanggapan o sa mga awtoridad.

Facebook Comments