Market administration office ng Manila City Hall, minomonitor ang presyo ng pang noche buena

Manila, Philippines – Nagsasagawa na ngayon ng pag iinspeksyon Upang matiyak ang mga tauhan ng Market Administration Office ng Manila City Hall sa lahat ng pampublikong palengke sa Manila upang matiyak na walang pagtaas ng presyo ng pang Noche Buena.

Ayon kay Market Administration Office Chief Annie Balboa may mga grupo na siyang mag inspection sa 17 public market sa Lungsod kasama ang mga market master upang tiyaking walang vendor at stallholder ang mananamantala sa mga consumer lalot papalapit na ang kapaskuhan.

Paliwanag ni Balboa pagganitong magpapasko at magbabagong taon karamihan sa mga popular na pang Noche Buena na mabili ay ang Pasta, Cheese Balls, Fruit Cocktails, Hams, Macaroni, Spaghetti, Tomato Sauce lalo na ang mga prutas.


Dagdag pa ni Balboa na katuwang din nila ang Department of Trade and Industry sa pag inpection at nagpapaskel sila ng mga SRP list para gabay ng mga namimili para alam nila ang presyo ng bibilhing pang Noche Buena.

Facebook Comments