Justice Secretary Aguirre, bumuwelta sa mga pari kasunod ng panawagang magbitiw siya sa puwesto

Manila, Philippines – Binuweltahan ni Justice secretary Vitaliano Aguirre ang mga pari kasunod ng hamon ni Father Robert Reyes na magbitiw siya sa puwesto.

Sinabi ni Aguirre na nagtataka siya kung bakit pinupuntirya siya ni Father Reyes gayung tahimik ang running priest sa mga eskandalong kinasasangkutan ng mga pari.

Tinukoy ng kalihim ang kaso ng mga pari na nangmomolestiya ng menor de edad, mga Pilipinong pari na nagiging ama, mga paring nagdadala ng menor de edad na babae sa mga motel at nangmomolestiya ng mga sakristan.


Kaugnay nito, nanindigan si Aguirre na mananatili siya sa pwesto hanggang may tiwala at kumpyansa sa kanya ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang hinamon ni Father Robert Reyes si Aguirre na magbitiw sa pwesto dahil sa pagiging bias daw nito sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Facebook Comments