Justice Secretary Aguirre, tiniyak ang pagsusulong sa pagkalkal sa foreign bank accounts ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na tuloy ang pagkalkal ng pamahalaan sa foreign bank accounts ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Aguirre, nakikipag-ugnayan na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga dayuhang bangko kung saan nakadeposito umano ang pera ni Trillanes.

Ang AMLC lamang aniya kasi ang maaaring humingi ng mga dokumento mula sa foreign banks.


Kabilang aniya sa bank deposits ni Trillanes ay nasa Malaysia, Australia, at Switzerland.

Una nang nagtungo sa Singapore si Trillanes para pabulaanan na may bank deposit siya doon.

Facebook Comments