Justice Secretary Guevarra, naniniwalang hindi imposibleng ginagamit ng China ang POGO sa pag-eespiya sa Pilipinas

Aminado si Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi imposible na ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO ay ginagamit ng China sa pag-spy sa Pilipinas.

Gayunman, sinabi ni Secretary Guevarra na hindi aniya maaaring isapubliko ang posibleng imbestigasyon ng mga otoridad hinggil dito.

Ang pagsasagawa rin aniya Counter Intelligence Operation ang pinakamabisang paraan ng pagharap dito.


Lumutang ang naturang kontrobersiya sa harap ng nabunyag na Pastillas Scheme kung saan may sindikato raw sa Bureau of Immigration (BIR) na tumatanggap ng salapi kapalit ng pagproseso ng dokumento ng Chinese POGO workers sa Pilipinas.

Facebook Comments