Manila, Philippines – Iprinisenta ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Department of Justice (DOJ) si Kenneth Dong matapos arestuhin ng National Bureau of Investigation sa senado dahil sa kasong rape.
Hinalay umano ni Dong sa isang townhouse sa Parañaque ang isang businesswoman na sinasabing galing sa party at lasing noong April 2016.
Dati nang naglabas ng warrant of arrest para kay Dong, ngunit nakapangalan ito sa isang Dong Yi Shin Shee, na tunay na pangalan ni Kenneth Dong, kaya’t hindi ito naaresto.
Lumabas naman noong June 30 ang ikalawang warrant na nakapangalan na sa alyas na Kenneth Dong kung saan nalaman nilang Iisang tao lang ang may kasong rape at ang humaharap sa Senado matapos magsabi ang isang agent na berepikahin ang impormasyon tungkol kay Dong.
Dumaan na sa booking procedure si Dong kahapon sa NBI saka dinala siya sa Parañaque Regional Court.
Depensa ng abogado ni Dong na si Attorney Carla Frias, inosente at handang humarap sa anumang proseso ang kanyang kliyente.