Philippine Men’s U22 Football Team, tinalo ang Cambodia sa pagsisimula ng 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia

Sports – Tinalo ng Philippine Men’s U22 football team ang Cambodia sa simula ng 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Naging susi sa panalo ang second-half goals nina Reymart Cubon at Fil-Japanese Kou-Ichi Belgira kung saan nagtapos ang laro sa score na 2-0.

Nakuha kasi ng Far Eastern University player na si Cubon ang goal pagkatapos ng 52 minutes na laro habang pumasok naman ang free kick ni Belgira.


Dahil sa panalo ay mayroon ng tatlong puntos ang Pilipinas sa torneo na may malaking tsansa para makuha ang kampeonato.

Facebook Comments