Justice Secretary Vitaliano Aguirre, itinangging hari siya ng fake news

Manila, Philippines – Itinanggi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na hari siya ng fake news.

Matatandaang kamakailan lang ay inireklamo siya ng isang grupo dahil sa pagpapakalat ng mga pekeng balita.

Kabilang na rito ang pagdadawit niya sa ilang senador sa naging pag-atake sa Marawi.


Ayon kay Aguirre, malinaw naman ang sinabi niya sa isang press conference na pinapa-validate pa niya ang naturang impormasyon.

Kasabay nito ay minaliit lang din ni Aguirre ang reklamong inihain laban sa kanya.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments