Iraqi Prime Minister, idineklarang matagumpay ang pagbawi sa Mosul mula sa ISIS

World – Pormal na idineklara ni Iraqi Prime Minister Haider Al-Abadi ang tagumpay sa pagbawi ng Mosul laban sa ISIS.

Kasama ang mga sundalo, iwinagayway ni Abadi ang kanilang bandila kasabay ng pag-anunsyong bumagsak na ang isis sa kanilang bansa.

Inabot ng halos siyam na buwan ang pakikipagbakbakan ng Iraqi forces sa teroristang grupo na nagresulta ng matinding pinsala sa istraktura at pagkitil ng buhay ng libu-libong sibilyan.


Naging katuwang ng Iraqi forces ang Estados Unidos para tuluyang mabawi ang lugar.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments