Manila, Philippines – Nakipagpulong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa isa sa mga abogado ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.
Ito ay matapos ipatawag ni Aguirre si Atty. Stephen David.
Ayon kay David, sumentro ang usapan nila sa hirit ng kanilang kampo na mailipat si Napoles ng piitan mula sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong patungong NBI detention cell.
Paliwanag ni David mas ligtas sa NBI si Napoles lalo na’t inuulan ito ngayon ng death threats.
Napag-usapan din nila ang posibilidad na maging state witness ang kanyang kliyente sa re-investigation ng kontrobersyal na PDAF scam.
Naniniwala rin si David na pasok si Napoles na maging state witness dahil hindi ito ang ‘most guilty’ sa nasabing anomalya.
DZXL558
Facebook Comments