Sampung sibilyan, patay sa panibagong airstrike ng Amerika sa Syria

Syria – Patay ang 10 sibilyan sa panibagong airstrike na inilunsad ng Anti-Terror Coalition Forces sa pangunguna ng Amerika sa Deir Al-Zour Province, Syria.

Target sa airstrike ang mga miyembro ng Islamic State sa bayan ng Sour.

Gayunman, hindi pa maberipika kung mga kaanak ng mga ISIS member ang mga nasawing sibilyan o kung ginawang human shield ang mga ito.


Ang Deir Al-Zour at Raqqa Provinces ang nagsisilbing De Facto Capital ng ISIS sa Northern Syria at kabilang sa nalalabing balwarte ng pinaka-notorious na terror group.

DZXL558

Facebook Comments