Justin Bieber at Selena Gomez – nagkabalikan na raw?

Showbiz – How true ang bali-balitang nagkabalikan na raw ang dating magkasintahan na sina Justin Bieber at Selena Gomez?

Ito ang intriga ng mga netizen matapos na ma-ispatang “sweet” habang nagbibisekleta sa Los Angeles ang dalawa kahapon.

Una rito, namataan din silang sabay na nag-almusal sa isang café noong linggo at sabay ring nagsimba.


Lalo pang pinag-usapan ang dalawa kasunod ng hiwalayan nina Selena at ng Canadian singer na si The Weeknd.

Paglilinaw ni Selena, si The Weeknd ang nakipagpaghiwalay sa kanya at hindi si Justin ang dahilan ng kanilang break up.

Facebook Comments