Martial arts master sa India – nakasungkit ng Guinness title matapos magbasag ng walnuts gamit ang kamay

2053

India – Isang martial arts master ang gumawa ng world record sa India.

Ito ay matapos magbasag ng 212 walnuts ng 35-year-old na si Prabhakar Reddy sa loob lang ng isang minuto!

Inaraw-araw daw ni Prabhakar ang pag-eensayo bago sumalang sa nasabing record attempt.


Lumamang lamang siya ng dalawang walnut sa naunang record na 210 ng tubong Pakistan na si Muhammad Rashid.

Facebook Comments