Justin Jackson, bumida sa panalo ng Mavericks kontra 76ers, Floyd Mayweather Jr. balik Maynila

Sinamantala ng Dallas Mavericks ang pagliban ng mga starters ng Philadelphia 76ers na sina Joel Embiid at Jimmy Butler para masungkit ang panalo, 122-102.

 

Humakot ng 24 points si Justin Jackson na dinagdagan pa ng 16 points ni Salah Mejri.

 

Habang sumandal naman ang Philadephia kina J.J. Redick na may 26 points, Tobias Harris na may 25 points at Ben Simmons na may 17 Points.


 

Samantala. balik-Maynila na si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. Matapos ang maikling bakasyon sa Boracay.

 

Pagkababa pa lang ng kanyang private jet, agad na inihayag ni Mayweather ang pagkabighani niya sa isla.

 

Nagbigay din siya ng maikling mensahe kay pinoy ring icon Manny Pacquiao na tinawag niyang “true champion”.

 

Bukas, ba-biyahe pabalik ng Las Vegas si Mayweather.

Facebook Comments