Juvenile Justice law, isa sa dahilan ng paglaganap ng krimen sa bansa ayon kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Juvenile
Justice law ni Senador Kiko Pangilinan ang paglala ng problema sa krimen ng
bansa.

Batay kasi sa naturang batas ay hindi maaaring makulong ang isang 15 taong
gulang pababa na bata sakaling makagawa ito ng kahit anomang krimen.

Ayon kay Pangulong Duterte, sa kanyang talumpati sa harap ng mga miyembro
ng Boy Scouts of the Philippines, dahil napakakawalan ang mga bata na
nakagawa ng krimen ay magpapatuloy lang mga mga ito sa kanilang iligal na
gawain.


Madalas pa aniyang nagagamit ng mga sindikato tulad ng pagiging currier ng
iligal na droga.

Ayon kay Pangulong Duterte, dahil sa naturang batas ay marami sa mga
kabataang Pilipino ang hindi na marunong gumalang sa batas.

Nabatid na bago ang Pangilinan Law ay 9 na taong gulang pababa lamang ang
walang criminal liabilities sakaling makagawa ng krimen.

Nation”

Facebook Comments