Balak ni Pangulong Duterte na ipagpaliban ang barangay elections, haharangin ni Congressman Teddy Baguilat

105

Manila, Philippines – Siniguro ni Congressman Teddy Baguilat na haharangin
nito ang gusto ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang barangay
elections.

Ayon kay Baguilat – hindi katanggap-tanggap ang rason ni Pangulong Duterte
na kaya’t niya pinapo-postpone ang barangay elections ay dahil sa dami ng
barangay officials na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Kinuwestyon din ni Baguilat ang aniya’y kawalang aksyon ng gobyerno para
disiplinahin ang mga barangay officials lalo na yung mga sangkot sa illegal
drugs.

Sa halip, iginiit ni Baguilat ang pagsasampa ng kaso laban sa mga barangay
officials na mapapatunayang dawit sa iligal na droga.

Nation”

Facebook Comments