Inihayag ni Senator JV Ejercito na aalis siya ng Senado na buo pa rin integridad.
Sinabi ito ni Ejercito matapos mag-concede ng kanyang pagkatalo ilang oras bago iproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalo senador sa nakaraang halalan.
“Kunin ko na ang pagkakataon magpasalamat sa Sambayanang Pilipino sa pagkakataon na ako ay nakapaglingkod bilang Senador ng ating bansa,” ani Ejercito sa kanyang Twitter.
Kunin ko na ang pagkakataon magpasalamat sa Sambayanang Pilipino sa pagkakataon na ako ay nakapaglingkod bilang Senador ng ating bansa.
Isang karangalan na kayo ay paglingkuran.
Will be walking away from the Senate with my integrity intact.
Salamat po sa pagmamahal!
— JV Ejercito (@jvejercito) May 21, 2019
“Isang karangalan na kayo ay paglingkuran. Will be walking away from the Senate with my integrity intact,” dagdag pa niya. “Salamat po sa pagmamahal!”
Sa kumpleto at official tally ng COMELEC, nasa ika-13 pwesto si Ejercito, na may 14,313,727 boto.
Nakuha naman ng kaparehong re-electionist Senator Nancy Binay ang ika-12 at huling pwesto sa tinatawag na “Magic 12” na may 14,504,936 boto.
Umabot sa kabuuang 191,209 na boto ang lamang ni Binay kay Ejercito.
Si Ejercito ang pangunahing nagpanukala ng Universal Healthcare Act, na layhong bigyan ang lahat ng Pilipino ng health care coverage at benefits. Naisabatas ito nitong Pebrero ng kasalukuyang taon.
Facebook Comments