K-12 PROGRAM | Mga pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa, asahan pa

Manila, Philippines – Bunsod ng nalalapit na unang batch ng mga K-12 students na ga-graduate ngayong Abril, ayon kay Education Secretary Leonor Briones, asahan pa ang ilang pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Kabilang dito ayon sa kalihim ay ang pagaayos ng programa ng K-12 program, partikular ang sa grade 1-10, kahit pa marami ang tumututol dito.

Aniya, dahil sa mabilis na pagbabago ng demand sa edukasyon, kailangang ayusin na lahat at hindi maaaring ipatupad ang one at a time basis sa pagbibigay ng solusyon sa mga problema sa edukasyon sa bansa.


Kabilang rin sa mga pagbabagong inaasahan ng DepEd ay ang pagpapaigting ng sense of urgency sa procurement, accounting at governance system ng ahensya.

Facebook Comments