Manila, Philippines – Matapos ang pag-amin sa national TV, ipinaliwanag ni K Brosas ang pinagdadaaanan nitong anxiety disorder sa isang video na ipinost nito sa kanyang youtube channel.
Kwento ni K sa kanyang Youtube post, may mga pagkakataong nanginginig na lang ang kanyang buong katawan, naninigas ang kanyang mga daliri, at nahihirapan siyang huminga.
Matapos sumailalim ni K sa isang psychiatric counseling, dito niya nalaman na meron siyang ‘chronic anxiety disorder due to suppressed depression’.
Hanggang ngayon ay inaatake pa rin siya ng anxiety disorder at umiinom na lang ng gamot para kumalma.
Sa dulo ay pinayuhan ni K ang kanyang mga followers na may mga sintomas ng pag-atake gaya niya na magpatingin din agad sa doktor.
Facebook Comments