Isa sa tatlong natitirang presong nakatakas sa Laguna Provincial Jail, sumuko na

Laguna – Sumuko na ang isa sa tatlong natitirang preso na tumakas noong nakaraang linggo sa Laguna Provincial Jail.

Kinilala ang preso na si Teddy Bucal na kusang sumuko sa kanilang barangay captain matapos malamang pinaghahanap siya ng awtoridad.

Narekober mula sa kanya ay isang m16 rifle.


Gaya ng mga naunang naarestong bilanggo, iginiit niyang hindi siya kabilang sa mismong grupo na nagplano ng jailbreak at nadamay lang siya kaya napatakbo palabas.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtugis sa dalawa pang hindi nadadakip na sina rio mahilom at Rayman Raymundo.

Nananawagan naman ang awtoridad sa mga mamamayan na mag-ingat sa mga natitirang suspek dahil armado ang mga ito.

Facebook Comments