K Brosas, tinuruan ng leksyon ang kaniyang basher

109

Tinuruan ng leksyon ng komedyanteng si K Brosas ang kaniyang basher sa pamamagitan nang pagsumbong sa mga employer nito.

Sa Twitter account ni K, sinabi nito na nakatanggap siya ng pagmumura mula sa isang netizen sa kanyang Facebook fan page.


Say ng aktres, hindi niya sinagot ang nasabing basher pero agad niyang kinontak ang employer nito at binalaan magsasampa siya ng kaso.

Dahil dito, nag-deactivate na ng account ang netizen habang tiniyak naman ng employer nito na hindi nila tinotolerate ang ganong behavior.

Giit ng aktres, kailangan niya ring ipaglaban ang sarili dahil tanging good vibes at respeto lang ang kanyang nais.

Facebook Comments