Trabahador na Wanted sa Kasong Pang-aabuso, Natimbog

27

Cauayan City, Isabela- Bagsak na sa kulungan ang isang trabahador na wanted sa batas matapos itong maaresto dakong ala una ngayong hapon, Hulyo 31, 2020 sa Brgy. Arcon, Tumauini, Isabela.


Nakilala ang asusado na si Darwin Allapitan, 27 taong gulang, may asawa at residente rin sa nabanggit na lugar.

Sa ibinahaging impormasyon ni PMaj Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, dinakip ang akusado na Top 3 Most Wanted Person sa ilalim ng Oplan Manhunt Charlie ng PNP sa bisa ng Alias Order of Arrest dahil sa kasong Child Abuse.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Dinala sa Tumauini Police Station si Allapitan para sa gagawing dokumentasyon bago siya ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments