K-Pop star Sandara Park, nangakong magiging simbolo ng Philippine-Korean relations mataps italaga bilang Philippine Friendship Ambassador

Nangako ngayon ang K-Pop star na si Sandara Park na magiging simbolo siya
ng Philippine-Korean relations matapos itong italaga bilang Philippine
Friendship Ambassador.

Sa pagdalo nito sa Philippine Women’s Month Celebration sa South Korea
nagpasalamat ito sa pagtalaga sa kanya bilang ambassador kung saan hangad
niya na maging inspirasyon siya ng ibang kababaihan.

Si Sandara ay dating aktres sa bansa pero bumalik sa kanilang Korea at
naging miyembro ng sikat na K-Pop band na 2NE1.


Matatandaan na dinipensahan ni Sandara ang Pilipinas sa isang TV show na
ipinalabas noong Enero kung saan sinabi nito na ligtas at magandang
puntahan o bisitahin ang Pilipinas sa kabila ng ibang mga bansang
bumabatikos dito.

Facebook Comments