Hotshots, nakamit ang ikatlong sunod na panalo kontr a NLEX Road Warriors sa PBA Commissioner’s Cup dahil sa isang buzzer beater shot

Isang buzzer beater ang ginawa ni Star Hotshots Rookie Jio Jalalon kung
kaya’t nakuha nila ang ikatlong sunod na panalo sa PBA Commissioner’s Cup.

Tinalo ng Hotshots ang NLEX Road Warriors sa score na 105-103 kung saan
nakuha si Jalalon ng 16-points sa nasabing laro.

Nanguna naman sa Hotshots si Allein Maliksi na mayroong 24-points habang
ang import naman nila na si Tony Mitchell ay nakagawa ng 23-points at
15-rebounds.


Samantala, pinangunahan naman ni Wayne Chism ang NLEX sa ginawang
33-points, 19-rebounds at limang assists.

Facebook Comments