K to 12 curriculim, pinaparepaso ni Senator Gatchalian

Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Education na repasuhin ang k to 12 curriculum para sa kinder hanggang grade 12.

ito ang nakikitang solusyon ni Gatchalian sa pagbaba ng grado ng mga mag-aaral sa national achievement tests na ngayon ay nasa 40 percent na lang mula sa dating 60 percent.

bukod dito ay tinukoy din ni gatchalian ang report ng jobstreet philippines na 24 percent lang ng employers ang handang tumanggap ng mga nagtapos ng senior high school.


bunsod nito ay binigyang diin ni gatchalian na silipin kung akma sa mga kailangan sa industriya ang mga itinuturo sa technical-vocational lessons ng k to 12.

diin ni Gatchalian, kailangang mapagbuti ang basic education o ang k to 12 dahil ito ang puso ng edukasyon at para makakuha din agad ng trabaho ang magtatapos ng grade 12.

Facebook Comments