K-to-12 program, rerepasuhin ng Joint Congressional Oversight Committee

Manila, Philippines – Rerepasuhin ng Joint Congressional Oversight Committee ang implementasyon ng K-To-12 Program.

Kasunod ito ng mga ulat na hindi nakakamit ng program ang mithiing mapabuti ang kalidad ng edukasyon at matiyak ang agad na employment ng mga magtatapos ng senior high school.

Ayon sa Senador Sherwin Gatchalian, co-chairman ng komite – dapat na matukoy ang problema at kakulangan ng programa para mabigyan ito ng pondo at magawan ng batas kung kinakailangan.


Kung hindi kasi aniya matutugunan, madadagdagan ang unemployed sa bansa at mahihirapan ang mga industriya sa pagkuha ng mga manggagawa.

Itinakda naman sa Enero ang unang pagdinig ukol dito.

Facebook Comments