Ka Paeng Mariano, nagbabala laban sa posibilidad na dating militar ang italaga sa DAR

Manila, Philippines – Babantayan ni Ka Paeng Mariano kung sino ang itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na kalihim ng Department of Agrarian Reform.

Ayon kay Mariano, hindi na dapat manggaling sa hanay ng militar ang susunod ba DAR Secretary.

Aniya. Hindi na dapat isali pa ang ahensya sa umiiral na militarisasyon ng civilian bureaucracy.


Nangangamba si Mariano na mabalewala ang kaniyang mga ipinalabas na administrative order kung hindi rin lamang may puso sa mga magsasaka ang ganap na maitatalaga ni Duterte.

Karamihan sa mga DO na ito ay nagbibigay kapangyarihan sa mga Agrarian Reform Beneficiaries.

Facebook Comments