Kaalaman at prinsipyo ni dating Pangulong Marcos Sr. nagsisilbing gabay ni PBBM sa kaniyang administrasyon

Ginugunita ngayong araw ang ika-107 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Eksaktong alas-12:00 nang hatinggabi gabi ay binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang ama sa social media.

Ayon sa pangulo, walang araw na hindi niya naiisip ang kaniyang ama lalo’t nagsisilbing gabay niya ang mga kaalaman at prinsipyo ng dating pangulo sa kaniyang pamumuno sa bansa.


Dagdag pa ng pangulo, patuloy nilang ipagdiriwang ang mga legasiya ni dating Pangulong Marcos Sr.

Kaugnay nito ay maagang magtutungo si Pangulong Marcos para ang Marcos Day celebration sa Batac City, Ilocos Norte.

Mamamahagi rin ang pangulo ng mga ambulansya, ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), tulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments