Manila, Philippines – Ngayong napirmahan na ang Joint Communications Plan ng GPH at MILF, tiwala si Irene Santiago, chair GPH Implementing Panel na mas maitaas ang kamalayan ng publiko sa nilalaman ng bagong Bangsamoro Basic Law.
Sa gitna aniya ng umiiral na extremism sa Mindanao, hindi dapat mahati ang bansa.
Mas mainam aniya kung maraming states sa Pilipinas dahil napagtitibay nito ang basic fundamentals ng gobyerno.
Sa kaniyang panig, tiwala si Mohagher Iqbal, MILF chair Implementing Panel, na malaki ang tsansa na makapasa ngayon ang BBL dahil mayroong Pangulo at Senate President na taga-Mindanao.
Mas mahaba rin aniya ang panahon ng Duterte administration na trabahuhin ang BBL.
Sa pamamagitan ng joint communication plan, mayroon nang iisang misyon at pamamaraan ang GPH at MILF.
Ang GPH ay may direct participation tulad ng pagsusulong ng bagong BBL sa Kongreso at pagpapataas sa kamalayan ng publiko sa BBL.
Ang MILF ay sa aktibong tututok sa monitoring activity mula sa implementasyon ng ceasefire related track, normalization process track hanggang sa pagpasa ng BBL.
Ang joint communication ay pangatlo sa milestone agreement na napirmahan ng GPH at MILF.
Una nang napirmahan ang ang terms of references at ang two party protocol of cooperation.