Supt. Marcos, nag-courtesy call na sa PNP region 12 bilang bagong CIDG region 12 head

27

Soccsksargen – Nagsimula nang umupo ngayong araw si Supt. Marvin Marcos bilang CIDG regional 12 head.

Ito ang kinumpirma mismo ni Chief Supt. Cedric Train, ang regional director ng region 12, makaraang mag-courtesy call ito sa kanyang tanggapan sa General Santos City.

Kasunod ito ng pagtatalaga sa kanya ng directorate for personnel records management o DPRM bilang bagong pinuno ng PNP CIDG region 12.

Ayon kay Train, personal niyang bilin dito na gawin lang nang maayos ang kanyang trabaho.

Kanina sinabi ni PNP chief Ronald Bato Dela Rosa na kung magiging paborable sa grupo ni Supt. Marcos ang resulta nang inihain nilang Motion for Reconsideration.

Posibleng hindi na sila mapatawan ng parusa ngunit kung hindi mababago ang rekomendasyo ng PNP-IAS, demotion at suspension ang kakaharapin ng mga ito.

Nag-ugat ang parusa sa mga ito matapos mapatunayan ng PNP-IAS na nagkasundo ang grupo ni Marcos na patayin sa loob ng Subprovincial Jail sa Baybay City, Leyte sina dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at bilanggong si Raul Yap.

Facebook Comments