Lumahok sa pagsasanay sa basic life support ang mga high school student mula sa Angela Valdez National High School at Carosucan Norte High School bilang bahagi ng kanilang work immersion program na isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kamakailan.
Tinalakay sa pagsasanay ang mga pangunahing kasanayan sa first aid tulad ng wastong pagbabalot ng sugat, rescue knot tying, cardiopulmonary resuscitation o CPR, at tamang pagresponde sa pagdurugo at iba pang sitwasyong pang-emergency.
Ayon sa MDRRMO, umabot na sa halos 1,000 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ang nabigyan ng kaparehong pagsasanay bilang bahagi ng paghahanda ng kabataan sa mga posibleng sakuna at emergency.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga mag-aaral ng praktikal na kaalaman na maaari nilang magamit sa oras ng pangangailangan upang makatulong sa kanilang kapwa.








