Kaalyado Ng Liberal Party Sa Pangasinan, Sinuguro Ang Landslide Victory Nina Roxas At Robredo

9

MANILA – Kumbinsido ang mga kaalyado ng Liberal Party (LP) sa lalawigan ng Pangasinan na landslide winner ang kandidato ng administrasyon na si Mar Roxas at runningmate na si Leni Robredo.Sa inilabas na report ng kolumnistang si Domini Torrevillas sa pahayagang Philippine Star, nagkakaisa ang mga kongresista at alkalde sa Pangasinan sa pagkampanya para ipanalo si Roxas at Robredo.Ayon kay Pangasinan Rep. Gina De Venecia ng 4th district, hindi siya naniniwala sa mga naglalabasang survey, dahil siya mismo ang nag-iikot at nakikita niya ng personal ang mainit na suporta ng tao kay Roxas.Ganito rin ang paniniwala ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil ng 2nd district kung saan mas marami anyang botante na gusto ang kandidato ng daang matuwid dahil sa track record at maayos na plataporma.Kasama rin sa nagbigay ng suporta kay Roxas at Robredo sina Pangasinan Rep. Baby Arenas ng 3rd district, Rep. Marlyn Agabas ng 6th district, Mayor Belen Fernandez ng Dagupan City at Mayor Bobom Perez ng Urdaneta City.Ang Pangasinan ang pangatlong lalawigan sa bansa na may pinakamalaking numero ng botante na may 1,705,260 milyong botante, kasunod sa Cavite at Cebu.

Facebook Comments