Akusasyon Ng Vote Buying Kay Poe, Pinagtawanan Lang Ni Escudero

5

MANILA – Pinagtawanan lamang ni Gobyernong may Puso Vice Preisdential Bet Sen. Francis “Chiz” Escudero ang akusasyon na sangkot sa vote-buying ang kanyang katambal sa pagka-pangulo na si Sen. Grace Poe.Ayon kay Escudero, walang basehan at pawang kasinungalingan ang alegasyon ni Greco Belgica na tumatakbong senador laban kay Poe.Una nang hiniling ni Belgica Sa Commission on Elections na imbestigahan ang umano’y insidente ng pagbili ng boto ng mga taga-suporta ni Poe sa Baguio City.Kinwestyon din ni Escudero ang “timing” ng petisyon ni Belgica na isinampa ilang araw bago ang eleksyon.Sa kabila nito, sinabi ni Escudero na inutusan na nila ang kanilang mga abogado na sagutin ang nasabing petisyon.

Facebook Comments