Kaanak ng mga Pinoy sa Guam, pinayapa ng DFA

Manila, Philippines – Pinayapa ng Dept of Foreign Affairs ang kaanak sa Pilipinas ng mga Pilipino sa Guam.

Sa harap ito ng alert level 1 na nakataas ngayon sa Guam kaugnay ng banta ng North Korea na pagpapakawala ng missile sa nasabing US territory.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, sa ilalim ng alert level 1 hinihimok ng DFA ang mga Pinoy na mamuhay ng normal subalit manatiling naka-monitor sa report ng news outlets at ng Philippine Consulate General at maging ng mga lokal na otoridad sa Guam.


Tiniyak din ni Asec. Bolivar ang mahigpit na ugnayan ng konsulada ng Pilipinad sa Guam emergency management authorities at
Regular din ang pagbibigay ng update sa Filipino community hinggil sa ano mang developments sa lugar.

Facebook Comments