Kaanak ng pasyenteng nahulog sa stretcher habang isinusugod sa ospital sa Surigao City, dumulog na sa PAO

Manila, Philippines – Dumulog na sa Public Attorney’s Office (PAO) ang kaanak ng lalaki matapos mahulog sa stretcher habang isinusugod sa ospital sa Surigao City.

Nabatid na isinugod sa ospital ang biktimang si Henebel Labaclado matapos atakehin sa puso pero binawian din ng buhay.

Ayon kay Jacqueline Labaclado, misis ng biktima, buhay pa sana ang kanyang asawa kung hinawakan lang ng maayos ng mga rumespondeng emergency team.


Idedemanda aniya nila ang Surigao City Emergency Rescue Services.

Samantala, maraming nakitang pagkakamali ang ilang eksperto sa mga tauhan ng ambulansya gaya na lamang ng pagpapakampante nila sa pagpapababa ng pasyente sa sasakyan.

Facebook Comments