Padre de pamilya, patay sa pananaksak sa Quezon Province

Manila, Philippines – Nasawi ang isang padre de pamilya matapos na pagsasaksakin ng isang lalaki sa Polillo, Quezon.

Naglalaba lamang ang biktimang si Santos Lucernas, 51-anyos sa ilog nang bigla na lamang dumating ang suspek na si Wenie Leynes, 53-anyos.

Bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan sa hindi pa malamang dahilan.


Boluntaryo namang sumuko ang suspek at tinurn-over ang ginamit niyang patalim sa pangyayari.

Facebook Comments