Kaanak ng Pinay OFW sa bayan ng Solana, Nagpositibo sa RT-PCR test

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan pa ring nakasailalim sa mahigpit na mandatory quarantine ng mga kaanak ng Pinay OFW na nagtungo ng Hongkong at nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 na tubong Solana, Cagayan.

Ito ay makaraang magpositibo ang mga kaanak nito sa resulta ng RT-PCR test na isinagawa ng Department of Health Central Office.

Sa isang pahayag, sinabi ni Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH region 2, isang dahilan kung bakit nagpositibo ang mga ito ay dahil sa exposure sa mga pasyenteng una nang nagpositibo sa COVID-19.


Ayon kay Magpantay, binabantayan ang bayan ng Solana dahil sa pagtaas ng aktibong kaso ng mga tinamaan ng virus.

Kaugnay nito, patuloy ang pagbabantay ng ahensya sa lalawigan ng Cagayan dahil sa tumataas na bilang ng mga nagpopositibo sa sakit.

Una nang nakipagpulong ang DOH sa mga pribadong ospital para sa pagtanggap ng mga COVID-19 patients at paglalaan ng 20% bed capacity para sa mga ito.

Paglalahad pa ni Magpantay na halos punuan na ang mga pagamutan sa rehiyon na tumanggap ng mga positibong pasyente.

Samantala, nagsagawa na rin ng paunang pagsasanay ang ahensya bilang paghahanda sa COVID-19 vaccination program sakaling maging available na ang bakuna.

Facebook Comments