Manila, Philippines – “Hustisya sa pinatay nakaanak”….yan ang hiling ng pamilya ng kapitan ng fishing boat na dinukot ngbandidong grupong Abu Sayyaf at pinugutan ng ulo.
Disyembre ng dukutin ng asg ang apat na tripulante ng FR Remonasa Celebes sea kung saan nitong Abril 13 ay tuluyan nang pinugutan ng ulo ngkapitan ng barko na si Noel Besconde, 45-anyos at tubong Zamboanga Del Sur.
Sa interview ng RMN kay Belma Besconde, nakababatangkapatid nito – kinumpirma nito na Abril 13 ng pugutan ang kanyang kuya mataposna mapaso ang itinakdang deadline ng bandidong grupo.
Aniya – nagdemand ang asg sa pinata-trabahuang kumpanyang kanyang kapatid ng 50-million pesos, pero wala ganun kalaking pera angkumpanya hanggang sa umabot na lamang ito sa tig-3 million pesos bawat isa,ngunit hindi pa rin ito naibigay.
Umaasa ang pamilya ng biktima na makakapiling nila kahitang bangkay na lamang ng kanilang kaanak upang mabigyan ng maayos na libing.
Kasabay nito, nanawagan si Belma kay Pangulong RodrigoDuterte ng tulong para sa limang anak na iniwan ng kanyang kapatid.
Sa ulat na natanggap ng pamilya Besconde, may sakit narayuma ang biktima dahil dito nahihirapan na syang akayin ng mga bandido mulasa mga humahabol na tropa ng militar kaya ito pinugutan.
Kaanak ng pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf Group sa Sulu – nanawagan ng hustisya at tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte
Facebook Comments